Roxanne Barcelo, napagod gastusan si Will Devaughn kaya nakipag-break?

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2018

Nagsalita nang tapos si Roxanne Barcelo na walang reconciliation na mangyayari sa kanila ng ex-boyfriend na si Will Devaughn.

“Aayyy, may ganoong tsika?” ang reaksyon ni Roxanne sa isyung napagod na raw siya sa paggastos kay Will kaya pinili niyang makipaghiwalay.

“Hindi naman. Basta, nakakapagod lang magmahal,” sabi niya.


Continue reading below ↓

Inamin ni Roxanne na nakikipag-date na siya sa ibang mga lalaki at may natitipuhan na siya.

“May bet ako na isa. Tingnan natin.

"Ayokong sabihin ang pangalan niya, baka maudlot.

"Ayoko na ng taga-showbiz."

Ikinuwento ni Roxanne na sinubukan niyang maging magkaibigan sila ni Will, pero imposible nang mangyari dahil complicated na ang sitwasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos


Continue reading below ↓

Postscript: Thankful si Roxanne dahil sa challenging role na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films sa pelikulang Abay Babes.

Co-stars ni Roxanne sa Abay Babes sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Kylie Verzosa, at Nathalie Hart.

Naganap sa opisina ng Viva Films ang story conference ng Abay Babes kahapon, March 21.

Sa limang babaeng bida sa pelikula ng direktor na si Don Cuaresma, tanging si Roxanne ang nakita naming may hawak na ballpen, papel, at abala sa note-taking.

“Mahilig kasi ako sa notes,” ang sagot ni Roxanne nang punahin namin ang ginagawa niya.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results