Kylie Verzosa, may tip kung paano sagutin ang mahihirap na tanong sa beauty pageants

by Jojo Gabinete
Mar 22, 2018

Hanggang saan nga ba dapat maging honest sa pagsagot sa Q& A ang mga beauty pageant contestant?

Ito ang itinanong ng Cabinet Files kay Kylie Verzosa, na authority sa mga beauty contest dahil siya ang Miss International 2016 title-holder.


Personal din niyang nasaksihan ang karanasan ni Sandra Lemonon sa Q&A portion ng Binibining Pilipinas 2018 sa Smart Araneta Coliseum noong March 18.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kylie, may mga paraan na puwedeng gawin ang mga kandidata kung hindi malinaw sa kanila ang narinig na tanong.

“Puwede naman yung mga honest answer, pero alam natin na competition yun ng wit, ng character, ng mabilis mag-isip,” ang sagot ni Kylie.

Natatandaan ni Kylie na kabadung-kabado siya sa Q&A ng Miss International 2016, pero hindi niya ipinahalata.

"Kabado ako, pero yung sagot ko kasi, kinailangan ng courage.

"Yung question kasi sa akin, 'Why do you think you deserve the crown?'

"Ito na yung chance ko na ibenta yung sarili ko sa buong mundo.

"So, kinapalan ko yung mukha ko," pagbabalik-tanaw ni Kylie sa nakaraan.

Naniniwala si Kylie na pinaghihirapan, pinaghahandaan, at hindi basta "luck" ang pagkakaroon ng beauty title.

Hindi kasama sa mga pangarap noon ni Kylie na maging beauty queen at lalong wala sa kanyang plano na pumasok sa showbiz.

"Kaya starstuck pa rin siya sa mga artistang napapanood lamang niya sa sine at telebisyon pero mga katrabaho na niya sa pelikula.

Continue reading below ↓

Ang Abay Babes ang third movie project ni Kylie, na unang ipinakilala sa Ang Panday ni Coco Martin at co-star nina Bea Alonzo at Derek Ramsay sa Kasal ng Star Cinema.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results