Baron Geisler, ipinasok na sa rehab; determinado na raw talagang magbago

by Jojo Gabinete
Mar 23, 2018

Mula sa Angeles City District Jail, dinala si Baron Geisler sa isang undisclosed rehabilitation center kagabi, Marso 22.


Libre ang treatment kay Baron sa rehabilitation center na pinagdalhan sa kanya ng mga kasamahan niya sa isang religious group.

Bago ipinasok si Baron sa rehabilitation center, inilipat muna ng mga kaibigan niya ang kanyang mga painting sa Culture and Arts Council ng Angeles City.

Continue reading below ↓

Determinado si Baron na magbago dahil napapagod na raw siya sa mga nangyayari sa buhay niya.

Hindi masabi ni Baron kung hanggang kailan siya mananatili sa rehabilitation center.

Labinlimang araw na nakulong si Baron sa Police Station 3 ng Angeles City at sa Angeles City District Jail dahil pinagbantaan niya ang buhay ng kanyang brother-in-law na si Michael Robinstone Morales.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Fact: Si Baron ang author ng Ano??? Tara Na??? Beast Mode, pero nawalan ng kredibilidad ang libro dahil siya mismo ang hindi sumunod sa kanyang mga pangaral na:

"Matuto ka sa mga mali mo. Matuto ka rin sa mali ng ibang tao. Sana na lang, wag ka naman laging mali-mali.

"Ang Beast Mode ay ginagamit para sa tama. Hindi para magkatama.

"Ang Beast Mode ay hindi bully. Anti-bully siya. Para sa akin, ang bully ay bulilit lang ang kinakaya-kaya. Ikaw, Grade 1 lang ba kaya mo?

"Galangin mo ang mga babae. Wala kang karapatan na bastusin ang sinuman pero pag sinabi niyang bastusan na, eh alam mo na. Beast Mode na!"

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Baron Geisler
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results