Karen Gallman, binago ang sagot sa third restroom para sa transgenders

by Jojo Gabinete
Mar 23, 2018

Hindi lamang si Sandra Lemonon ang kontrobersiyal dahil sa sagot niya sa Q&A ng 55th Binibining Pilipinas coronation night sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo, March 18, 2018.

Pinag-uusapan din ang sagot ni Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman sa tanong kung pabor ba siyang magkaroon ng third restroom para sa transgender.


Continue reading below ↓

"Oo" at pabor siya sa "privatization" ang sagot ni Gallman, pero iba na ang pahayag niya nang makausap ng Cabinet Files.

Sabi niya, "It was not my intention to offend anyone.

"Nag-yes ako for an option, like an alternative lang, if they’re not comfortable in going to male and female’s bathroom.

"Pero if it corrected, it would be no third bathroom because, for me, a trans woman is a woman and trans man is a man and I believe talaga in equality.

"I love LGBT and I have friends and have family members as well.

"I think I was just overthinking it talaga and parang nag-yes na lang ako.

"And then, in the middle of it, parang inisip ko, 'Ano ba 'yon?'" 

Nag-trending ang sinabi ni Gallman na “privatization” ng restroom para sa mga transgender, pero nilinaw niyang epekto ‘yon ng matinding kaba na nararamdaman.

"What I meant to say was privacy, and then bigla na lang akong talagang kinabahan.

Continue reading below ↓

"I didn’t know where I was going sa sagot ko.

"I don’t wanna watch it. I don’t wanna replay it.

"It’s such a cringe moment.

"I didn’t even think I would make it because of my Q&A pero, at the same time, I am happy.

"I mean, I was eyeing for Miss Universe Philippines crown talaga, but it’s not my time.

"Talagang Catriona [Gray] deserves it.

"She worked very hard. She prepared so hard for it, and everything happens for a reason.

"But when I got called, I was very happy, kasi nga I didn’t expect na makakakuha ako ng crown."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results