blk ni Anne Curtis hindi karibal ang makeup ni Vice Ganda

by Jojo Gabinete
Mar 25, 2018

Kahapon, March 24, ang grand opening sa lower ground floor ng Trinoma ng kauna-unahan na boutique ng blk, ang cosmetic line ni Anne Curtis.

As expected, dinumog ng mga customer ang boutique na may slogan na "uncomplicated beauty" dahil sa presence ni Anne, ang creative director ng blk.

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on


Itinanggi ni Anne na may rivalry sila ni Vice Ganda na may cosmetic line din, ang Vice Cosmetics, na may boutique naman sa second floor ng Trinoma.

Ikinuwento ni Anne na nagkagulatan pa sila ni Vice nang malaman nila na pareho ang kanilang mga negosyo na kapwa nag-umpisa noong third quarter ng 2017.

Natutuwa si Anne dahil tinutulungan siya ni Vice na i-promote ang cosmetic line niya sa kanilang noontime show sa ABS CBN, ang It’s Showtime.

Ang mga cosmetic line nina Anne at Vice ang isa sa mga itinuturong dahilan kug bakit humina ang benta ng mga branded make-up.

Kinausap namin ang mga sales clerk ng isang high-end department store sa Mandaluyong City, at sila ang nagpatunay na bumaba ang sales nila.

Continue reading below ↓

Una nilang naramdaman ang paghina ng kanilang mga produkto nang maging popular sa mga Pilipino ang mga cosmetic brands mula sa South Korea na mabibili sa affordable prices.

Nakaapekto rin sa sales nila ang mga online seller ng mga make-up.

Lalong naramdaman ng sales personnel na nabawasan ang kanilang mga kliyente dahil ang mga cosmetic line nina Anne at Vice Ganda ang hinahanap sa tindahan nila.

Sinabi ng sales personnel na hindi nila masisisi ang mga kostumer dahil murang-mura ang presyo ng mga bagong labas na brand ng mga make-up kung ikukumpara sa kanilang mga produkto na libu-libo ang halaga.

Kung may indie movies na banta sa mainstream movies, indie brands ang tawag sa cosmetic line nina Anne at Vice na itinuturing na threat sa mga designer make-up brand.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results