May bagong career si Xian Liam: ang pagiging direktor ng television commercial.
Kaibigan ni Xian ang may-ari ng isang hamburger store at ito ang nagbigay sa kanya ng break para maging commercial director.
Hindi lamang ang pamamahala sa television ad ang ipinagkatiwala kay Xian ng hamburger store owner dahil ipinaubaya rin sa kanya ang concept at storyboard ng commercial.
Ang popularidad ng viral video na “Nasaan si Aling Vicky?” mula sa 2001 movie na Baliktaran: Si Ace at Si Daisy, ang nagbigay kay Xian ng idea na gawin nito na bida ang associate producer ng Viva Films, si Hermie Go aka Aling Vicky, sa kanyang unang project bilang television commercial director.