Prince Stefan, di raw ibubuking ang male celebs na naka-sexual encounter

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2018

Relate na relate si Prince Stefan sa rebelasyon ni Mark Bautista na nilayuan ito ng ibang mga kaibigan mula nang umaming bisexual.

Sinabi ni Prince na lumayo rin sa kanya ang mga kaibigan dahil sa pag-aming bisexual siya.


Ikinalungkot ni Prince ang nangyari, pero wala raw dapat ipag-alala ang mga taong nagkaroon ng physical intimacy sa kanya dahil hindi ang tipo niya ang kiss-and-tell.

Continue reading below ↓

Tanggap ni Prince na marami ang hindi makikiayon sa kanyang sagot sa Holy Week question tungkol sa kasalanang paulit-ulit na inihihingi ng kapatawaran sa Diyos.

Pero ito raw ang nilalaman ng puso niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Prince, "Baka ma-bash ako sa sagot ko. Baka ma-misunderstood nila ako.

"It’s about my being gay, which is not a problem.

"Pero ang inihihingi ko ng tawad is what goes with it, like, having sex with the same flesh or gender.

"Even yung pagtingin nang malaswa sa iba at lustful thoughts.

"Ito ang mga inihihingi ko ng kapatawaran mula sa Diyos."

Postscript: Kahit nag-out na siya, nahihirapan pa rin si Prince sa kanyang mga struggle bilang gay dahil sa mga temptation na nararanasan, pero pilit niyang iniiwasan.

"Sinusubukan ko na umiwas and maybe just focus on myself and be a better person.

"All I know is Jesus loves us at ayaw Niya tayo na mapunta sa hell," ang sabi ni Prince.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results