Catriona Gray, nagulat sa presyo ng ear cuff na isinuot niya sa Binibining Pilipinas 2018

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2018

"Let’s see" ang sabi ni Catriona Gray nang itanong ng Cebinet Files kung gagamit siya ng ear cuff sa Miss Universe 2018.

Pinag-usapan ang patriotic ear cuff na "Three stars and a Sun" ni Catriona nang sumali siya sa 55th Binibining Pilipinas noong March 18, 2018.


Continue reading below ↓

Nang manalo siyang Miss Universe Philippines 2018, naging curious ang mga supporter niya kung muling gagamit ng ear cuff ang beauty queen sa kanyang pagsabak sa 67th edition ng Miss Universe.

Ang Tessera Jewelry ang gumawa ng attention-grabbing ear cuff na ginamit ni Catriona sa Binibining Pilipinas 2018.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Gulat na gulat si Catriona nang malaman nitong almost P180,000 ang presyo ng ear cuff na inakala niyang P8,000 lamang ang halaga.

Nagpapasalamat siya sa Tessera Jewelry dahil libreng ibinigay sa kanya ang ear wear na pinapantasya nang marami.

"They gifted it to me. I’m very thankful," ang taus-pusong pasasalamat ni Catriona.

Trivia: Natatawa si Catriona sa tuwing naaalala niya ang announcement ng Top 15 finalists sa Binibining Pilipinas 2018.

Candidate No. 20 si Catriona at dahil sa 20...4 cliff-hanging announcement ng host na si Richard Gutierrez, napaigtad siya at muntik nang pumunta sa harap ng stage.

"Mean… so mean… hahahaha!” ang natatawang reaksiyon ni Catriona sa booboo niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results