16th death anniversary ni Rico Yan, gugunitain ng kanyang pamilya at fans

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2018

Good Friday ng March 29, 2002 nang bawian ng buhay si Rico Yan sa Dos Palmas Island Resort and Spa sa Puerto Princesa, Palawan.


Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagpanaw ni Rico dahil uso na noon ang text messaging.

Mula sa Puerto Princesa, inilipad ang bangkay ni Rico sa isang military plane.

Continue reading below ↓

Kasama sa mga sumundo sa labi ng pumanaw na aktor ang ABS CBN news reporter na si Karen Davila, na nagbigay ng blow-by-blow account habang nasa likod niya ang bangkay ni Rico na nakabalot ng kumot na puti.

Kasikatan ni Rico nang mamatay ito kaya national issue ang pagkawala niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Palabas pa sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang blockbuster movie ni Rico at ng ex-girlfriend niyang si Claudine Barretto, nang bawian siya ng buhay.


Continue reading below ↓

Kaya lalong nadagdagan ang curiosity at ang mga weird na haka-haka ng mga tao tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang kamatayan.

Nagbukas sa mga sinehan ang Got 2 Believe noong February 22, 2002.

Dahil sa untimely demise ni Rico, extended sa mga sinehan at lalong nadagdagan ang mga nanood ng pelikula nila ni Claudine.

Hiwalay na sina Claudine at Rico nang magkaroon ng presscon ang Star Cinema para sa Got 2 Believe.

Pero hindi nahalata ng entertainment press na tapos na ang kanilang relasyon dahil mahusay nilang naitago ang katotohanan.

Nalaman lamang ng publiko ang totoong kuwento nang mamatay si Rico.

Ibinurol si Rico sa La Salle Greenhills.

Dinagsa ng mga tao ang lamay niya at ang kanyang libing sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, na live na napanood sa ABS CBN at may pamagat na Paalam, Rico.

Ang "Heal Our Land," na inawit ni Jamie Rivera, ang ginamit na background music ng ABS-CBN habang inihahatid si Rico sa huling hantungan.

Continue reading below ↓

Amusing ito para sa controversial actress na si Rosanna Roces.


Nadamay si Rosanna sa kontrobersiya ng pagkamatay ni Rico dahil sa kanyang pahayag sa live telecast ng Startalk na drug-related at hindi bangungot ang ikinamatay ng aktor.

Matinding batikos ang natikman ni Rosanna mula sa mga tao na emosyonal sa pagkawala ni Rico,  kaya pinagpahinga siya ng management ng GMA-7 bilang co-host ng Startalk.

Continue reading below ↓

Nang magdiwang si Rosanna ng 30th birthday niya noong May 25, 2002, trip to Phuket, Thailand ang regalo sa kanya ng GMA-7, kasama ang kanyang pamilya at ang staff ng programa.

Ang taped interview kay Roces ni Butch Francisco sa Phuket ang hudyat ng pagbabalik niya sa Startalk.

Gugunitain ng mga nagmamahal kay Yan ang 16th death anniversary niya bukas, Maundy Thursday.

Trivia: Year 1998 nang pumunta si Rosanna sa Amerika para sa isang concert.

Nakatuwaan niyang magpahula sa isang gypsy woman, na nagsabi sa kanyang tatagal lamang ng anim na taon ang popularidad niya.

At the time, si Rosanna ang pinakasikat na aktres sa buong Pilipinas kaya mahirap paniwalaan ang hula ng gypsy woman, pero kinabahan pa rin siya.

The rest is history.

Trivia 2. Si Lolit Solis ang manager ni Rosanna Roces noong sikat na sikat ito.

May meeting si Solis sa Edsa Shangri-La hotel nang lapitan siya ng astrologer na si Zeny Seva.

Continue reading below ↓

Hinabol ni Seva si Solis, nagpakilala at nagsalitang iparating kay Rosanna ang nabasa niya sa kanyang mga baraha.

Ang mahigpit na bilin ni Seva kay Solis ay ang maging maingat si Rosanna dahil mawawala sa kanya ang lahat.

The rest is history.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results