Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Mga bayan at simbahan sa Laguna, paboritong location ng pelikula at teleserye

by Jojo Gabinete
Mar 29, 2018

MAGDALENA. Ang mga simbahang ginamit na location sa mga pelikula at telebisyon ang binisita ngayong Huwebes Santo, March 29, ng Cabinet Files.

Ang Santa Maria Magdalena Parish Church (1855) sa Magdalena, Laguna ang isa sa mga paboritong simbahan ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.


Continue reading below ↓

Ang Santiago (1970) at Sanctuario (1974) ang dalawa sa maraming pelikula ni FPJ na kinunan  ang mga eksena sa Magdalena.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hanggang ngayon, sinasabi ng mga senior citizen ng Magdalena na naging popular ang kanilang bayan dahil kay FPJ.

Huling napanood ng Cabinet Files ang Santa Maria Magdalena Parish Church sa Heneral Luna, ang sleeper hit movie ni John Arcilla noong 2015.

Continue reading below ↓


Heneral Luna

"The Little Hollywood of Laguna" ang bansag ng Magdalena residents sa kanilang bayan dahil ginamit itong location ng mga pelikula at television series.


Continue reading below ↓

May sariling Walk of Fame ang Magdalena.


Makikita rito ang mga bituin ng mga sikat na artista na bumisita sa kanilang lugar, na pinangungunahan nina FPJ, Eddie Garcia, Bong Revilla, Eddie Garcia, Sharon Cuneta, at Susan Roces.

Sad to say, hindi na malinaw kaya halos hindi na mabasa ang mga pangalan ng mga artista sa Walk of Fame.

Continue reading below ↓


KALAYAAN. Si St. John The Baptist ang patron saint ng Kalayaan, Laguna.


Continue reading below ↓

Again, naging popular sa mga filmmaker at mga television series director ang St. John The Baptist Parish Church (1669) dahil pa rin kay Fernando Poe, Jr.

Ang Asedillo, ang life story ng public school teacher na si Teodoro Asedillo na naging tagapagtanggol ng mga mahihirap noong panahon ng American occupation.

Si FPJ ang gumanap na Asedillo at kinunan ang mga eksena nito sa Kalayaan.


Continue reading below ↓

Asedillo

Nag-taping din si Richard Gutierrez sa St. John the Baptist Church para sa mga eksena niya sa Ang Panday, ang television series ng TV5 noong 2015.

PAGSANJAN. Ang youth-oriented television series na Tabing Ilog (1999, ABS-CBN), ang mga pelikulang Magnifico (2003, Violett Films), Ikaw (1993, Viva Films), Mistah (1994, Viva Films), at The Flor Contemplacion Story (1995, Viva Films) ang ilan sa mga television show at pelikulang kinunan sa Pagsanjan, Laguna.


Continue reading below ↓

Magnifico

Patron saint ng bayan ng Pagsanjan ang Our Lady of Guadalupe at itinayo ang simbahan nito noong 1687.


Bago pa naging favorite shooting place ng local filmmakers ang Pagsanjan, popular na ito sa mga turista dahil sa Pagsanjan Falls at sa mga publicity tungkol sa Apocalypse Now, ang 1979 Hollywood movie na pinagbidahan ng legendary actor na si Marlon Brando.

Continue reading below ↓

Si Francis Ford Coppola ang direktor ng Apocalypse Now, na nag-shooting sa Pilipinas noong 1976 at 1977.

Kinunan ang ilang mga eksena ng Apocalypse Now sa Pagsanjan, Laguna.


Apocalypse Now

Too bad, naging pugad ng mga pedophile ang Pagsanjan.

Dala ng kahirapan, may mga magulang na ipinagkatiwala ang mga musmos na anak nila sa mga old predator, kapalit ang pera, mga materyal na bagay, at jeepney na pampasada.

Continue reading below ↓

LILIW. Si St. John The Baptist ang patron saint ng Liliw, Laguna.


Ang direktor na si Emmanuel H. Borlaza (1935-2017) ang isa sa mga sikat na personalidad sa showbiz na isinilang sa Liliw.

Ang Dyesebel (1973) na pinagbidahan ni Vilma Santos ang isa sa mga blockbuster movie ni Borlaza na nag-shooting sa Liliw Resort, ang popular resort sa Liliw na biktima na ngayon ng kapabayaan.

Continue reading below ↓


Nag-shooting din sa Liliw si Jericho Rosales at ang mag-amang Gabby at KC Concepcion para I’ll Be There, ang 2010 movie ng Star Cinema.

Years ago, naging talk of the town ang Liliw dahil dito nagmula si Amado Aluquin, ang biological father ni Lorna Tolentino.

Big news at kontrobersiyal  ang guesting ni Lorna sa See True, ang talk show ni Inday Badiday dahil hindi niya inaasahan ang exposé ng Queen of Intrigues sa national television tungkol sa tunay na identity ng kanyang biological father. 

Continue reading below ↓

Headline noon ng mga entertainment at gossip column ang balitang nag-breakdown at nahimatay si Lorna dahil hindi nito kinaya ang pasabog na balita ni Inday tungkol sa tunay na ama niya.

PAKIL. Kung associated kay Fernando Poe Jr. ang Magdalena, Laguna, identified naman kay Coco Martin ang Pakil, Laguna.

Si Coco ang lead actor ng Juan dela Cruz (2013), ang local superhero television series ng ABS-CBN.


Continue reading below ↓

Kinunan ang mga unang episode ng Juan dela Cruz sa St.Peter of Alcantara Parish Church (1767) ng Pakil.


Muling ginamit ni Coco ang simbahan ng Pakil bilang shooting location ng kanyang unang directorial job noong nakaraang taon, Ang Panday, na official entry niya  sa Metro Manila Film Festival 2017.

Continue reading below ↓

Ang St.Peter of Alcantara Parish Church ang tahanan ng Nuestra de los Dolores de Turumba o Our Lady of Turumba, na dinarayo ng mga deboto dahil sa kanilang paniniwalang naghihimala ang birhen, tulad ng pagsagot ng Our Lady of The Most Holy Rosary ng Manaoag, Pangasinan sa mga panalangin ng mga sumasampalataya sa kanya.

MAJAYJAY. Ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978) ang classic Philippine movies na kinunan sa sleepy town ng Majayjay, Laguna.

Ang Superstar na si Nora Aunor ang lead actress ng Tatlong Taong Walang Diyos (Three Years Without God) at siya rin ang producer ng pelikula.


Continue reading below ↓

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, archrival ni Nora, ang bida sa Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak at ang kanyang VS Productions ang producer ng project.

Coincidentally, si Bembol Roco ang isa sa leading men ni Nora sa Tatlong Taong Walang Diyos, at si Bembol din ang kapareha ni Vilma sa Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak.


Continue reading below ↓

Si St. Gregory The Great ang patron saint ng Majayjay at kinunan sa simbahan nito ang mga eksena ng Tatlong Taong Walang Diyos.


Kinikilala ng National Museum bilang National Cultural Treasure ang St. Gregory The Great Parish Church na isa sa mga oldest church sa Pilipinas.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results