Xian, Billy, James, at Daniel special guests sa 15th anniversary concert ni Sarah

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2018

Ang makatrabaho si Sarah Geronimo sa pelikula ang isa sa mga dahilan kaya lumipat si Xian Lim sa Viva Artists Agency.

Natupad ang pangarap ni Xian dahil siya ang kapareha ni Sarah sa Philippine adaptation ng Korean blockbuster movie na Miss Granny, ang 2018 movie ng singer-actress na may tentative playdate sa August 2018.

Hindi lamang sa pelikula magkasama ang dalawa dahil special guest si Xian sa This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum sa April 14, 2018.


Continue reading below ↓

May special participation din sa This I5 Me sina James Reid, Daniel Padilla, at Billy Crawford.

Hindi naman nakakalimutan ni Billy na ito ang kasama noon ni Sarah sa mga tour nito sa US at Europe kaya malaking karangalan na kasama siya sa 15th anniversary show ng singer-actress.

Magiging memorable at hectic para kay Billy ang month of April dahil bukod sa guesting niya sa This I5 Me, magaganap sa fourth month ng 2018 ang beach wedding nila ng kanyang fiancée na si Coleen Garcia.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results