Itinanggi ng isang GMA Artist Center executive ang mga speculation na lilipat sa ibang television network ang contract star nilang si Gabbi Garcia dahil sa cryptic tweet nito na “how 2 make the right decision.”
how 2 make the right decision
— Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) March 30, 2018
Sinabi ng GMAAC executive sa Cabinet Files na long-term ang kontrata ni Garcia sa GMA Network Inc. kaya walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol sa cryptic tweet ng young actress.
Nakadagdag sa mga hinala na lilipat si Garcia sa ABS-CBN dahil pinatay na ang karakter niya sa Sherlock Jr. ang primetime program ng GMA-7.
Fact. Dinamdam ni Gabbi ang pagkawala ng karakter niya sa Sherlock Jr. pero desisyon ito ng mga in-charge sa programa na nagkaisa na dagdagan ang mga action scene at i-focus ang kuwento ng television series sa mga adventure ni Sherlock Jr. ( Ruru Madrid ) at ni Siri, ang aso na sidekick niya.