Ulila nang lubos ang tatlong anak ng singer-comedian na si Blakdyak.
Noong March 31, Black Saturday, ang asawa ni Blakdyak na si Twinkle Formaran naman ang binawian ng buhay.

Heart attack ang ikinamatay ni Twinkle.
Ayon sa isang source ng Cabinet Files, dinamdam nang husto ng misis ni Blakdyak ang pagpanaw ng singer-comedian noong November 21, 2016.
Fact: Suicide sa pamamagitan ng suffocation dahil sa plastic bag na ibinalot ni Blakdyak sa ulo nito ang resulta ng imbestigasyon ng Manila Police tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng singer na kinikilala bilang The King of Pinoy Reggae.
Hindi naniwala si Twinkle na kinitil ni Blakdyak ang sariling buhay dahil nawala ang P45,000 na ipinakita sa kanya ng asawa habang kumakain sila ng hapunan.