Hindi pa mangyayari ngayong Abril ang television plug tungkol sa nalalapit na pagwawakas ng Kambal Karibal, ang top-rating primetime program ng GMA-7.

Dahil sa mataas na rating at mga positive feedback, extended ito hanggang sa susunod na buwan kaya madaragdagan ang mga karakter ng programa.
Si Jake Vargas ang isa sa mga Kapuso actor na malapit nang mapanood sa Kambal Karibal.
Fact. Ang Kambal Karibal ang biggest television break ng 15-year-old actress na si Kyline Alcantara, na napansin dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang third wheel sa relasyon ng mga karakter na ginagampanan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.