On hold muna ang planong pagpapakasal ng basketball player na si Peter June Simon ng Magnolia Hotshots at ng fiancée niyang si Jehza Mae Huelar dahil ang huli ang nanalo ng Bb. Pilipinas Supranational 2018 crown noong March 18.
Nag-propose si Simon kay Huelar noong New Year’s Eve, pero hindi pa matutuloy ang balak nilang pag-iisang dibdib dahil natupad ang matagal nang pangarap ng dalaga na maging beauty queen.
"He can wait. He’s a very supportive partner and he’s the one who’s encouraging me to join Binibining Pilipinas again kaya nag-apply ako last minute, January 8, 2018.
"I rushed to Binibining Pilipinas office and I submitted my application form.
"In God’s grace, in-allow naman niya na manalo ako," ang pahayag ni Huelar sa Cabinet Files.
Trivia: Tulad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, three consecutive years na sumali si Huelar sa Binibining Pilipinas.
Second runner-up si Huelar noong 2016. Top 15 candidate siya noong 2017.
Nakuha niya ang Bb. Pilipinas Supranational 2018 title sa kanyang pangatlong beses na pagsali.
"Before I joined Binibining Pilipinas this third time around, lahat in-offer ko sa Panginoon, which is hindi ko ginawa the past two years.
"Kung hindi ako nanalo, last ko na ’to na pagsali because I’m getting to another level stage of life,” sabi ni Huelar.