PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anjo Yllana, bakit nagsusuot ng life jacket kapag sumasakay ng eroplano?

by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2018

Ang pagsusuot ng mga life vest o life jacket kapag bumibiyahe sa karagatan ang isa sa mga pinakamahalagang aral na matututunan mula sa traumatic experience nina Bianca Manalo, Ehra Madrigal, at ng kanilang mga kasama nang lumubog ang speedboat na sinasakyan nila noong Maundy Thursday, March 29.

Gaya nina Ehra at Bianca, biktima ng lumubog na bangka sa Boracay island noong late '80s si Quezon City District V Councilor Anjo Yllana.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang suot na life jacket sina Anjo, Aga Muhlach, Richard Gomez, at kanilang mga kasama nang lumubog ang bangka na sinasakyan nila.

Isang oras ang nakalipas bago dumating ang mga coastguard na sumaklolo sa grupo nina Anjo.

Matinding trauma ang naranasan ni Anjo, na hindi marunong lumangoy, kaya mula nang mangyari ang insidente, nagsusuot siya ng life jacket sa tuwing sumasakay ng eroplano.

Sinabi ni Anjo na bumabalik sa kanya ang nakaraan kapag nakikita niya ang karagatan mula sa bintana ng eroplano.

For five years, gumagamit si Anjo ng life vest kapag sumasakay siya sa eroplano at nasaksihan namin ito ng maraming beses sa aming mga out-of-town trip noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Anjo Yllana
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results