Tapos na ang panahon ng pagtitika pero extended ang pagdurusa ni Juancho Trivino na muling kinukuyog ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Ito ay dahil nakita rin siya sa concert ng LANY sa Smart Araneta Coliseum na pinanood ng television host-actress kagabi, April 6.


Mga below-the-belt comment, malulutong na mura, at ang paratang na "user" ang ilan sa mga masasakit na salitang natatanggap ni Juancho mula sa fans nina Alden at Maine.
Noong nakaraang buwan, naglabas si Juancho ng public apology para sa viral video ng bad finger sign niya sa poster ni Alden.
Ipinaliwanag ni Juancho na hindi para kay Alden ang foul gesture niya, pero hindi siya pinaniwalaan ng fans at supporters ng kapwa Kapuso actor.

Biktima uli si Juancho ng hate messages dahil namataan siyang nanood kagabi ng concert ng LANY, na hindi nagustuhan ng mga tagahanga at supporters nina Maine at Alden.
Right now, mahihirapan si Juancho na makamit ang kapatawaran ng Alden-Maine fans na sagad ang galit at pagkamuhi.
Alam niya sa sarili na epekto pa rin yun ng kanyang controversial gesture laban kay Alden, na may Mr. Clean image.
Fact. Kahit nali-link si Maine Mendoza sa ibang aktor, buong-buo ang tiwala at suporta sa kanya ng mga taga-hanga niya.
Si Marie Jean Montecillo ang isa sa mga beneficiary ng solid support ng fans kay Maine.
Si Montecillo ang "Super Sireyna" candidate na look-alike ni Maine.
Siya ang nanalo ng Super Sireyna Online Favorite special award at kasali sa Top 16 candidates ng beauty pageant ng Eat Bulaga! para sa transgender women.