PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Testimonya ni Alma Concepcion, malaki ang papel sa desisyon ng korte sa Forever Summer drug case

by Jojo Gabinete
Published Apr 8, 2018

Life imprisonment ang hatol ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259 kina Marc David Deen at Seergeoh Villanueva, ang dalawa sa limang akusado sa drug trafficking case na konektado sa Closeup “Forever Summer” concert tragedy na nangyari noong May 22, 2016 sa SM Mall of Asia concert grounds, Parañaque City.

Bukod sa life imprisonment, pinagbabayad ng korte sina Deen at Villanueva ng tig-limang milyong piso (P5 million each).

Dalawampung taong pagkakakulong at penalty na kalahating milyon bawat isa (P500,000 each) ang parusa namang ipinataw ng korte sa mga akusadong sina Erica Valbuena, Martin Dimacali, at Thomas Halili.

Ang lima ang pinaratangang supplier ng illegal drugs na kumitil sa buhay ng limang tao na dumalo sa "Forever Summer" event ng Close Up.

Ang aktres na si Alma Concepcion ang isa sa mga saksi sa tragic incident kaya inimbitahan siya ng Department of Justice at National Bureau of Investigation noong June 2016 para magbigay ng testimonya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sa exclusive interview ng Cabinet Files, inamin ni Alma na hesitant siyang tumestigo pero inusig siya ng kanyang konsyensiya.

"It was my first time to be a witness to such massive crime and I was disturbed by my conscience to speak out. It was scary.

"It was my first time to receive a subpoena from the DOJ and NBI so I went with fear and faith. Natakot ako na mag-testify kasi madami naman kami doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I asked bakit ako, sa lahat ng mga tao na naroroon. Bakit ako?" ang pagbabalik-tanaw ni Concepcion sa nakaraan.

Nasagot ang mga katanungan ni Alma nang malaman nitong marami ang nag-share ng Facebook post niya tungkol sa kanyang mga nasaksihan.

At the time, walang kamalay-malay ang former beauty queen-turned-actress na marami ang namatay sa naturang event, hindi lamang ang isa sa mga biktima na nakita niya na nag-collapse.

Nang mag-report si Alma sa NBI office noong June 2016, ang mga kamag-anak ng mga biktima at ng mga akusado ang kanyang nadatnan na nagtanong tungkol sa mga nasaksihan niya.

“After ko sinunod ang subpoena ng DOJ at NBI, nabigyan ako ng time to comfort ang ibang mga kamag–anak ng biktima, nakahinga na ako at nagkaroon ng peace of mind na naibigay ko na ang lahat ng aking maibibigay,” sabi ni Alma.

Kinilabutan si Alma nang malaman nito noong Biyernes ang naging hatol ng korte sa mga akusado sa Closeup Forever Summer tragedy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natulala at hindi makapaniwala si Concepcion na malaki ang kinalaman ng kanyang testimonya sa desisyon ng korte.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


“Ang affidavit ko ang ginamit ng DOJ kaya nakakakilabot isipin na yung papel na yun ang naging kasangkapan para umabot sa ganoong desisyon.

“First time ko na mag-testify kaya naloka ako when I learned na ganoon ang desisyon ng korte. Shocked ako for a few seconds. Nag-flashback lahat sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I went back to my FB post. Finorward ko sa tito ni Bianca Fontejon [one of the victims].

"I saw the video of the reading of the decision. Natulala ako for awhile then nagdasal ako.

"Nagpasalamat ako sa Diyos dahil ginabayan niya ako.

"Ipinagdasal ko rin ang mga biktima at ang pamilya nila.

"Ramdam ng puso ko yung mga namatayan."

UPDATE: Dadalhin ng mga kamag-anak ng mga akusado ang kaso sa Court of Appeals dahil hindi nila matanggap ang hatol ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 259.

Ginamit na halimbawa ng pamilya ng mga akusado ang pagpapawalang-sala ng Department of Justice sa mga suspected drug lords na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Kung nagawa raw ng DOJ na pawalang-sala sina Espinosa at Lim, dapat na mabigyan din ng second chance ang mga akusado sa Closeup Forever Summer tragedy.

Para kay Concepcion, dapat maging parehas ang hustisya sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Wow, grabe naman. Bakit hindi fair ang justice?

"If harsh [ang decision] sa isa, dapat harsh din sa iba. Dapat consistent ang hustisya."

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Alma Concepcion
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results