PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erwan Heussaff, one and only choice para sa Buhay Carinderia ng TPB

by Jojo Gabinete
Published Apr 11, 2018

Ang mister ni Anne Curtis, ang chef na si Erwan Heussaff, ang one and only choice para maging ambassador at content creator ng "Buhay Carinderia... Redefined," ang bagong project ng Tourism Promotions Board na pinamumunuan ni Cesar Montano.


Para kay Cesar, perfect choice si Erwan dahil advocate ito ng health at affordable eating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idea ni Erwan na magbukas ng pop-up carinderia sa isang lugar sa Maynila noong June 2017 para i-promote ang bagong online game niya.

Tagumpay ang good-for-one day-only pop-up carinderia ni Erwan dahil napatunayan niya sa mga Pilipino na posibleng mangyari ang kanyang crusade na P150/day meal plan.

Para sa TPB at sa mga Pilipino, si Erwan ang tunay na representative ng advocacy ng "Buhay Carinderia…Redefined," ang higit na maunawaan ng lahat ang kasaysayan ng mga pagkaing Pilipino, ang pasikatin ang paggamit ng mga natural at native na sangkap sa pagluluto, at patingkarin ang Filipino home-cooked flavors.

Malaking karangalan para kay Erwan na pinili siya ng TPB bilang ambassador ng "Buhay Carinderia… Redefined" kaya nangako siya na mag-aaral pa tungkol sa mga pagkain ng Pilipino.

"I may not be a Filipino food expert yet, there are so many dishes that I still need to discover, but I’m curious to keep learning and I am a staunch advocate of our culinary culture," sabi ni Erwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trivia: Marami ang hindi nakakaalam na nag-umpisa noon bilang mga karinderya (small local eatery) ang mga Filipino restaurant na Max’s at Aristocrat.

Ayon sa Spanish Filipinologist na si Wenceslao Retana (1862-1924), nagmula sa kari (spice) o pampalasa ang salita na carinderia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results