Dasal para sa mabilis na paggaling ng veteran actor na si Jose Mari Gonzales ang hiling ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Naka-confine sa kasalukuyan sa ICU ng isang ospital ang 75-year-old former matinee idol dahil sa pneumonia.

Si Jose Mari ang ama ni former sexy actress-turned-Tacloban City mayor Cristina Gonzales.
Apo ni Gonzales si Sofia Romualdez, ang aspiring singer na eldest daughter ni Cristina at ng ex-Tacloban City Mayor na si Alfred Romualdez.

Minana kay Jose Mari ng mag-inang Cristina at Sofia ang hilig sa pagkanta, pero aminado ang former sexy actress na mas talented musician ang panganay niya kesa sa kanya.
Ngayong gabi, April 12, ang grand launch ng "Thinkin' of U," ang single ni Sofia sa Viva Records.
Ang "Thinkin' of U" ang isa sa maraming kanta ni Sofia na sariling composition niya.