PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang, nag-expect ng kissing scene with Kim Chiu sa pelikula nila

by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2018

Si Ryan Bang ang leading man ni Kim Chiu sa pelikulang Da One That Ghost Away.

Ayon kay Ryan, isang teacher ng Tagalog at English na nagtuturo sa mga Korean na boarder sa bahay nina Kim at Marissa ang "lol" niya.


“Siyempre, sa umpisa, best friend, 'tapos unti-unti, iba yung naramdaman ko sa kanya. Lol lang po yun… lol... R-O-L-E,” ang paliwanag ni Ryan tungkol sa karakter na ginagampanan niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

To the rescue kay Ryan si Kim na nagpaliwanag sa entertainment press na Korean ang leading man niya kaya wala itong letter “S” at letter "R" kapag nagsasalita.

Hindi nagpapatawa si Ryan dahil nagpapakatotoo lang siya.

Sinabi rin niyang abangan na lang kung magkakaroon sila ni Kim ng kissing scene sa pelikula.

"Baka mag-expect sila, ang kapal ng mukha mo!" ang sabi ni Kim.

Sagot ni Ryan, "Nag-expect din ako, e. Hindi lang sila, pati ako!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results