Binura ni Mark Bautista sa Instagram account nito ang litrato ng kanyang "new look" para sa bagong movie project niya sa Viva Films, ang Abay Babes, na pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Nathalie Hart, Kylie Verzosa, Meg Imperial, at Kylie Verzosa.

Sexy at daring with a big twist ang role ni Mark sa Abay Babes, na unang pelikula ng direktor na si Don Cuaresma sa Viva Films.
Gumamit si Mark ng hair extension para magbago ang physical appearance niya.
Ang Abay Babes ang unang pelikula ni Mark matapos niyang aminin sa publiko noong February 2018 na bisexual siya.
Nagpapasalamat si Mark sa lahat ng mga tumangkilik sa tell-all biography book niya, ang Beyond the Mark, na idineklara ng National Bookstore bilang March 2018 best-seller sa non-fiction category.
Ngayong gabi, April 14, special guest si Mark sa This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum.
Mababasa sa isang chapter ng Beyond the Mark ang kuwento ni Mark tungkol sa tried-and-tested friendship nila ni Sarah.