PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Panganay ni Diana Zubiri, sumailalim sa pangatlong operasyon para ayusin ang cleft palate nito

by Jojo Gabinete
Published Apr 17, 2018

Sumailalim kahapon, April 16, sa pangatlong operasyon si King, ang 9-year-old son ni Diana Zubiri.

Isinilang na may cleft lip and cleft palate ang panganay ni Diana, na unang nagkaroon ng surgery noong three months old para isara ang cleft lip niya.


Muling inoperahan si King noong six months old siya dahil gumawa ng functional palate ang mga doktor niya para maayos ang development ng kanyang ngipin at facial bones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon ang huling operasyon (bone grafting) sa bata para maging normal ang pagtubo ng permanent teeth niya.


Nagpapasalamat si Diana sa lahat ng mga nagdasal para sa successful operation ng kanyang anak.

Natutuwa siya dahil naging matapang si King, na hindi nagpakita ng takot at nagdasal bago ipinasok sa operating room para sa surgery na tumagal ng apat na oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagawa pa ng bata na maglaro sa Ipad habang hinihintay niya ang pagsisimula ng operasyon.



Ang karanasan ng mag-ina ang nagturo sa ating lahat na maraming proseso, hindi basta isang surgery lamang, ang mga pinagdaraanan ng mga bata na isinilang na may cleft lip ang cleft palate para maging normal ang kanilang mga itsura.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Trivia: Noong 7 years old si King, nakita nito sa Edsa ang billboard ng mga bata na may cleft lip and cleft palate na tinulungan ni Dra. Vicki Belo at ng Belo Smiles project na magkaroon ng “beautiful transformation.”

At the time, hindi alam ni King na wala siyang ipinagkaiba sa mga bata na nakita niya sa Belo billboards kaya nagtanong siya sa kanyang ina ng “Mommy, bakit sila ganoon?” na sinagot ni Diana ng “Ganyan ka rin dati. Don’t worry, paglaki mo, explain ko sa ’yo."

Ngayon, sa edad na siyam, hindi na nagtatanong si King dahil naunawaan na niya ang pinagdaanang sitwasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results