Ang hindi nila paghihiwalay ng kanyang longtime girlfriend na si Kate Necesario ang itinuturing na biggest achievement ng presidential son na si Baste Duterte.

"I’m still with my girlfriend, my second girlfriend... 'tapos with my son.
"Yun ang biggest achievement ko. Hindi ako nahiwalay.
"I don’t want to look for another… ayoko na," ang pahayag ni Baste sa Cabinet Files.
Si Kate ang ina ng anak ni Baste na si Yair.
Dumaan sa pagsubok ang relasyon nila nang maging girlfriend ng presidential son noong nakaraang taon ang sexy star na si Ellen Adarna.
“As a father, I think I am doing good. Of course, I have dreams for my son,” ang sagot ni Baste nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa pagiging ama niya sa anak nila ni Kate.
Si Kate ang kasama ni Baste sa pictorial nito para sa bagong product endorsement niya na piling-pili.
"I treat it as a professional. Kailangan ko talaga na magtrabaho, ganoon lang,” ang paliwanag ni Baste tungkol sa pagtanggap niya ng mga product endorsement.
Maraming television guesting offers na tinanggihan ni Baste, pero kumakanta pa rin siya dahil talagang passion daw niya ang pagkanta.