Ngayong araw, April 19, ang 11th birthday ni Bimby Yap, ang anak ni James Yap kay Kris Aquino.
Dahil hindi sila nagkikita, ang kanyang Instagram account ang ginamit ng popular basketball player para batiin ng maligayang kaarawan ang anak nila ng TV host-actress.
"Happy birthday Bimb! I miss you and think about you everyday.
"Alam ko na ang tagal na natin di nakapagspend ng time together, at di nagkikita, but I want you to know that I’m always here for you. I will always be your papa.
"I hope you enjoy your birthday," ang mensaheng ipinarating ni James sa kanyang anak na matagal nang hindi nakikita.
Pinalitan din ni James ang profile pic ng kanyang Instagram account. Ang nakalagay rito ngayon ay ang picture nila ni Bimby.
Trivia: Hindi lamang si Bimby ang nagdiriwang ng kaarawan dahil ngayong araw rin ang 81st birthday ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ang 28th birthday ni Kim Chiu.