"Still praying for guidance."
Ito ang sagot ng respected broadcast journalist na si Jiggy Manicad nang hingin ng Cabinet Files ang reaksiyon niya tungkol sa mainit na balitang kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga senatoriable ng PDP-Laban sa eleksyon sa 2019.

Malakas ang kutob na tinanggap ni Jiggy ang alok ng PDP-Laban na kumandidato siyang senador sa halalan sa susunod na taon dahil ngayon ang huling araw niya bilang anchor ng Quick Response Team ng GMA News TV.
Sinabi ni Jiggy sa Cabinet Files na maglalabas siya ng statement sa Quick Response Team at sa 24 Oras Weekend.
"Last episode ko po mamaya sa QRT. I will have a statement po.
"Also, bukas [April 21], sa 24 Oras Weekend, Saturday po," ang magalang na mensahe na ipinarating ni Jiggy sa Cabinet Files.