Jiggy Manicad, nagpaalam na sa mga programa niya sa GMA News

Short but sweet ang walang paliguy-ligoy na pamamaalam ni Jiggy Manicad bilang anchor ng Quick Response Team, ang news program ng GMA News TV, ngayong gabi, April 20.


Ang pagpapaalam ni Jiggy ang indirect confirmation na tinanggap niya ang alok na kumandidato bilang senador sa ilalim ng partido ng PDP-Laban sa magaganap na eleksyon sa 2019.

"Nais ko lamang pong magpasalamat sa inyong pagtitiwala at sa pagtitiwala din ninyo po sa integridad at kredibilidad ng QRT, na isa sa mga programa na itinatag ko dito po sa GMA Network.

"Sa 23 years ko po dito sa GMA ay masasabi ko na naging bahagi ng pamamahayag ko ang public service at susubukan po nating dalhin ang public service na ito sa ibang larangan," ang pahayag ni Jiggy.

Nakatakda rin siyang mamaalam bilang anchor ng 24 Oras Weekend ng GMA-7 bukas, April 21.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN