"Demonyo" ang tawag ni Julio Diaz sa illegal drugs na nasamsam sa pag-iingat niya at dahilan para makulong siya sa Meycauayan, Bulacan Police Station.

Itinanggi ni Julio ang bintang na drug pusher siya dahil wala raw ito sa kanyang plano.
Idinagdag pa ng embattled actor na maayos naman ang buhay niya.
Iginiit ni Julio na hindi na siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot pero “may dumating na pagkakataon na andiyan sila, demonyo talaga, e.”
Ayon kay Bulacan Police Director P/Supt. Romeo Caramat, former drug surrenderee si Julio kaya patuloy ang pagmo-monitor nila sa activities ng aktor na itinuturing na high-valued target.
“In the case of Julio Diaz, patuloy po siya at naaktuhan namin siya na gumagamit at we arrested him during a buy bust operation at his residence,” ang pahayag ni Caramat.
Panghihinayang at hindi awa ang naramdaman kay Julio ng Cabinet Files dahil maraming beses na siyang binigyan ng pagkakataong magbago pero walang nangyari.
Years ago, hindi sinasadya na nakita namin si Julio sa isang parking lot sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Kahit hindi namin siya tinatanong, nagpaliwanag si Julio na walang katotohanan ang gay rumors tungkol sa kanya at lalong hindi totoo na lulong siya sa masamang bisyo.
Ramdam na ramdam sa boses ni Julio ang galit nito sa mundo, pero hindi niya kami nakumbinsi na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ipinagkanulo si Julio ng kanyang behavior, ang nagkakanda-ngiwi na pagsasalita at literal na malakas na pagtulo ng laway niya habang nakikipag-usap sa amin.
Update: Humingi si Julio ng kapatawaran mula kay President Rodrigo Duterte dahil sa paggamit niya ng illegal drug.
“Patawad po Presidente kasi parang sigarilyo lang ito na kahit sabihin natin na ayoko nang manigarilyo, nandiyan siya lagi sa harapan ko.
"Parang ang tukso, hindi ko kaya," ang pagmamakaawa ni Julio, na nangakong magbabago, pero hindi na pinaniniwalaan dahil hindi na siya natuto.