Nagsalita nang tapos si Cesar Montano na hindi siya nagbabalak na kumandidato para sa anumang posisyon sa 2019 elections.

Kuntento na raw siya sa mga obligasyon niya bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board.
Nagkaroon ng hinalang plano ni Cesar na tumakbo sa susunod na eleksyon dahil tinanggihan niya ang alok ng ABS-CBN para gumanap bilang tatay ni Angel Locsin sa The General’s Daughter.
Hindi lamang si Cesar ang nakatanggap ng offer mula sa Kapamilya Network para sa importanteng role sa The General’s Daughter dahil inialok din ito kay Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Hindi tinanggap ni Richard ang project dahil kakandidato siya muli bilang alkalde ng Ormoc City sa susunod na taon.