Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kris Aquino, binawi ang post tungkol sa hindi pagkakaroon ng anak ni Korina Sanchez

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2018

Pinalitan ni Kris Aquino ang insensitive line niya sa Instagram post tungkol kay Korina Sanchez, na hindi binanggit ang pangalan pero klarong-klaro na ang host ng Rated K ang tinutukoy.


Sa kanyang original post ay ito ang isinulat ni Kris: “But I will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who hasn’t had the privilege of motherhood.”

Continue reading below ↓

Pinalitan niya ito ng: "But I will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband & does not know the hardship of having to go to it alone."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Rewritten after some prayers" ang dahilan ni Kris sa desisyon nitong baguhin ang insensitive line na umani ng mga batikos mula sa publiko, lalo na sa barren women o mga kababaihang hindi biniyayaan na magbuntis.

(Please listen to the song.) I know I’ve unleashed a double edged sword. I know i’ve made enemies, and i’ve also found kindred spirits in MOTHERS who like me have felt that they have had ENOUGH & they had to take a stand & say I AM NOW FIGHTING BACK. I also know i have personal demons i need to exorcise because no matter what i still want to be someone my sons can be proud of... so i will collect my thoughts & try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown. I apologize for including politics, but that is the unfortunate baggage & responsibility of my last name. But i will not delete any posts because my anger comes from the heart of a mother who has been unnecessarily stepped on by someone who has been blessed w/ a loving & devoted husband & does not know the hardship of having to go it alone (rewritten after some prayers)... I do sincerely apologize to my brother. And I apologize to President Duterte. And Mar, to you i am sorry. In the same way i would always wonder why i would be dragged into issues not of my doing- i was guilty of that tonight. I’ll be back after i have found my peace. Until then, to all those who still found it in their hearts to understand & embrace me & my sons- you have my eternal gratitude. #laban

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on


Ang feature story ng Rated K ni Korina tungkol kay James Yap na napanood sa ABS-CBN kagabi, April 22, ang ugat ng "meltdown" ni Kris.

Dahil para sa kanya, sampal sa mukha niya ang ginawa ng "misis ni Mar Roxas."

Alam ng lahat na prayerful na tao si Kris kaya iniisip ng Cabinet Files kung nagdasal siya bago naglitanya laban kay Korina, o pinairal niya agad ang bugso ng damdamin matapos mapanood ang James Yap story ng Rated K.

Continue reading below ↓

Nang mawalan siya ng television show at mother studio, madalas sabihin ni Kris na may kinalaman ang pulitika at ang apelyido niya sa nangyari.

Nang magbuhos siya ng saloobin sa ginawa ng "misis ni Mar Roxas," muling nagbanggit si Kris tungkol sa unfortunate baggage and responsibility ng kanyang apelyido.

Hindi na dapat sinasabi ni Kris ang disadvantage ng pagiging isang Aquino dahil ito ang malaking dahilan kaya nagkaroon siya ng puwang sa showbiz at natupad ang pangarap niyang makilala bilang television host at aktres.

Hindi na rin kailangan ang paulit-ulit na pagsasalita ni Kris na good taxpayer siya at milyun-milyon ang buwis na ibinabayad niya dahil milyun-milyon din ang kanyang mga kinikita mula sa mga pelikula, television show, at product endorsements.

Nakalagay sa batas at responsibilidad ng bawat isa ang magbayad ng buwis.

Nagbigay si Kris ng assurance na hindi makakaapekto ang isyu niya kay Korina sa unang araw ng kanyang shooting para sa I Love You, Hater ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

"This won’t affect my shooting for Star Cinema on Wednesday. I deserve the millions I will earn for I Love You Hater. And I deserve the warm welcome I received because I’m ready to give the performance of my life," ang pangako ni Kris.

Hindi na kailangan ni Kris na patunayan ang best performance of her life sa I Love You Hater dahil ibinigay na niya ang best performance bilang ina ng kanyang mga anak.

TO ANSWER OR NOT TO ANSWER... Ang huwag nang sagutin at patulan ang mga social media rant ni Kris ang payo kay Korina ng concerned followers niya.

"Maintain your class and dignity" ang ilan sa mga unsolicited advice kay Korina, na nakakuha ng simpatiya mula sa mga tao na nasaktan sa pahayag ni Kris na “someone who hasn’t had the privilege of motherhood.”

Ang insensitive statement ni Kris ang nagpaalaala sa Cabinet Files ng “You don’t need to be a mother to become a mommy. You just need to love like one,” ang advertising slogan ng My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc.

Continue reading below ↓

JAMES & HIS HELMET. Si James Yap at ang birthday greeting nito para sa kanyang anak na si Bimby Yap noong April 19 ang ugat ng dahilan ng matinding galit ni Kris kaya nadamay si Korina.

Mula nang sumabog ang galit ni Kris, hindi na nagsalita si James.

Pero pinili nitong mag-post sa social media ng litrato niyang nakasuot ng helmet, na parang nagpapahiwatig na hindi na siya maaapektuhan ng mga sinasabi ni Kris at ng kanyang mga basher.

�???�???�???

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Kahit matagal na silang hiwalay at hindi siya sumasagot sa lahat ng mga paratang ng kanyang ex-wife, ipinapakita ni James na may kapangyarihan pa rin siya kay Kris dahil literal na sumasabog ang galit nito kapag nagsasalita siya tungkol sa pagmamahal niya sa kanilang anak.

Postscript: Ang litrato nila ni Bimby ang profile picture sa Instagram account ni James na reminder sa lahat na baligtarin man ang mundo, siya pa rin ang ama ng anak ni Kris.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results