Nagpapasalamat si Anne Curtis sa lahat ng mga sumuporta, lalung-lalo na ang Filipino community na nag-cheer sa kanya sa finish line, nang sumali siya sa London Marathon noong Linggo, April 22.
Hindi naging madali kay Anne ang pagtakbo sa London Marathon na may distansiyang 42 kilometers dahil sa matinding init ng panahon.
Kuwento niya, “I did not expect the unusual London heat.
"The moment I hit 20km at 12:30 pm, I had a hard time breathing, felt dehydrated, the sun was beaming intensely and at one point, I wanted to give up but I knew I was running this for a cause.
"Running with a mission- for the Filipino Youth@unicefphils."
Masuwerte si Anne na nalampasan ang hirap na pinagdaanan dahil sa kanyang determinasyong makumpleto at matapos ang karera.
Unlike Anne, hindi naging mapalad ang MasterChef semi-finalist na si Matt Campbell, na nag-collapse sa 22.5 mile mark ng London Marathon.

Lumahok si Matt sa London Marathon para sa alaala ng kanyang amang si Martin Campbell na pumanaw noong 2016, at para makalikom ng pera na ibibigay niya sa isang charitable organization, ang Brathay Trust.
Nakatanggap agad ng medical attention ang 29-year-old professional chef nang mawalan ito ng malay, pero binawian siya ng buhay sa ospital na pinagdalhan sa kanya.
Iniimbestigahan pa ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Campbell, pero may suspetsang hindi kinaya ng katawan niya ang sobrang init ng panahon.
Semi-finalist si Campbell sa Series 10 ng MasterChef: The Professionals na napanood sa BBC noong 2017.