Hinihintay lang ng newcomer na si Dan Huschka na maipalabas sa mga sinehan sa May 9 ang #SquadGoals ng Viva Films bago niya palitan ang kanyang family name na mahirap i-pronounce kaya halos walang recall.

Contract star si Dan ng Viva Artists Agency at sinabi na niya sa kanyang manager ang kagustuhang magpalit ng screen name.
Estranged sa kanyang German father si Dan, pero wala raw itong kinalaman sa desisyon niyang palitan ang apelyido.
Nag-iisang anak at seven years old si Dan nang maghiwalay ang mga magulang niya.
“I was too young to understand yung nangyari. It didn’t affect me that much because I didn’t know what happened.
“ Yung dad ko, nasa Germany, may bago nang pamilya.
"He doesn’t really reach out to me. He has never supported me in anyway.
"He doesn’t message me or try to call me," ang sabi ni Dan.
Nilinaw niyang wala siyang tampo na nararamdaman laban sa tatay niya.
Kung wala nang pakialam si Dan sa ama, mahal na mahal naman niya ang kanyang German grandmother.
“My German grandma, she’s like 82 years old now and she does more effort.
"I love my grandma. She’s amazing, she makes the best cookies," sabi ni Dan.