Sa May 8 ang opening night sa Gateway Cinema ng Cine Filipino Film Festival 2018.
Walong pelikula ang opisyal na kalahok sa feature film category: ang Delia & Sammy, Excuse Me Po, Gusto Kita With All My Hypothalamus, Hitboy, Mata Tapang, Mga Mister ni Rosario, Poon, at The Eternity Between Seconds.
Ang Delia & Sammy ang comeback movie ng veteran actress na si Rosemarie Gil.

Rosemarie Gil in Delia & Sammy
Sad to say, hindi dumalo si Gil sa grand presscon ng Cine Filipino Film Festival noong Martes, April 24, kaya nawalan ng pagkakataon ang mga miyembro ng media na malaman ang kanyang reaksiyon sa pagbabalik niya sa pelikula.
No-show rin ang award-winning actress na si Elizabeth Oropesa na lead actress ng Excuse Me Po.

Elizabeth Oropesa in Excuse Mo Po
Wala rin si Joross Gamboa, ang bida sa Mga Mister ni Rosario, dahil may shooting siya para sa kanyang unang directorial job, ang Allergy in Love.
Interesting ang kuwento ng Mga Mister ni Rosario dahil isang aktor na nadadala hanggang sa pag-uwi ng bahay ang mga karakter na ginagampanan niya sa pelikula ang role ni Joross.

Kate Alejandrino & Joross Gamboa in Mga Mister Ni Rosario
Nangyayari sa tunay na buhay ang karakter ni Joross sa Mga Mister ni Rosario dahil marami sa mga artistang nakausap ng Cabinet Files ang nagpatotoo na may mga pagkakataong nahihirapan silang kumawala mula sa papel na ginagampanan nila.
Kasama sa cast ng Mata Tapang si Ritz Azul.
Ramdam na ramdam ang presence ni Ritz sa presscon ng Cine Filipino Film Festival dahil ikot siya nang ikot at always ready for interviews.
Pero hindi naramdaman ang participation niya sa filmfest entry na pinagbibidahan nina EA Guzman, Alwyn Uytingco, at Arron Villaflor dahil wala siya sa trailer ng pelikula.

Edgar Allan Guzman in Mata Tapang
Sina Glydel Mercado at Shy Carlos ang mga bida ng Poon.
Tungkol sa imahe ng santo na may pangalang Saint Vargas na naghihimala ang kuwento ng Poon.

Glydel Mercado in Poon
Maraming koleksiyon si Glydel ng mga poon sa bahay nila ni Tonton Gutierrez.
Pero nang matapos ang shooting ng Poon at ialok sa kanyang iuwi niya si Saint Vargas, tumanggi si Glydel dahil natakot siya.