"Hindi totoo yun. Brand yun ng damit.”
Ito ang sagot ng respected at multi-awarded broadcast journalist na si Mike Enriquez nang tanungin sa first anniversary presscon ng Dobol B sa News TV kanina, April 27, tungkol sa diumano’y gap nila ni Mel Tiangco.

Sina Mike at Mel, kasama si Vicky Morales, ang anchors ng prime time news program ng GMA-7 na 24 Oras.
Ang denial ni Mike ang nagtuldok sa isyung hindi sila on good terms ni Mel.
Si Mike ang itinuturing na boss nina Arnold Clavio, Ali Sotto, at Joel Reyes Zobel sa Dobol B sa News TV, pero pinupuri siya ng kanyang mga kasama dahil hindi niya ipinararamdam ang mataas na posisyon.
Testimonya ni Ali, "Si Mike Enriquez, ang most endearing quality for me is he doesn’t make me feel that he’s my boss. I think he has given me the best gift, he believes in me.
"Napakalaking bagay because everybody wants to feel validated.
"The best gift that I have received from Mike Enriquez is nagtiwala siya sa akin, and I am in radio now because of him."
Pahayag naman ni Joel, "Mike is a very strict boss but he is a very, very good friend.
"Hanggang ngayon, malaki ang utang na loob ko kay Mike dahil siya ang nagbigay sa akin ng pinakamalaki at pinakamatindi na break sa career ko, so I will be forever grateful."
Papuri naman ni Arnold, "Ang isa sa hinahangaan ko kay Mike ay hindi siya sinungaling.
"Nasubukan na namin ni Joel yun, kaya kung may sasabihin ka sa kanya, tapatin mo siya, magiging best friend mo siya.
"Pero kung mahuhuli ka niyang nagpapalusot ka o mali yung sinasabi mo, mahuhuli’t mahuhuli ka niya, e, siya ang worst enemy mo, kaya kami tapat.
"Lalaking kausap ‘to."
Ipinapaabot naman ni Mike sa publiko ang taus-puso na pasasalamat dahil number one sa mga survey ang Dobol B sa News TV na napapanood sa GMA News TV at napapakinggan sa DZBB.