PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Child actress na bida sa The Cure, umaming nagsusuot ng pustiso

by Jojo Gabinete
Published Apr 30, 2018

Ngayong gabi, April 30, nag-pilot telecast ang The Cure, ang suspense-drama-thriller series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, Mark Herras, at Jaclyn Jose.

Ang The Cure ang isa sa pinakamagastos na television project ng Kapuso Network dahil sa mga set na itinayo nila.

Kinunan sa isang abandoned at condemned building ang big scenes ng The Cure, pero tumanggi ang executive producer na si Winnie Hollis Reyes na sabihin ang exact location dahil "somewhere in the south" lang ang sagot niya nang tanungin ng Cabinet Files.

May important role sa The Cure ang 7-year-old child actress na si Leanne Bautista, na gumaganap na anak nina Tom at Jennylyn.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


May kasabihang hindi nagsisinungaling ang mga bata, kaya si Leanne ang aming tinanong tungkol sa address ng abandoned at condemned building.

"Sa Batangas po," ang mabilis na sagot ni Leanne.

May suot na pustiso si Leanne sa murang edad na pito dahil nabungi na ang mga ngipin niya.

Ikinuwento ni Leanne na nagpagawa ito ng pustiso dahil hindi magandang panoorin sa TV na bungi siya.

Nangako ang bata na hihinto na siya sa paggamit ng pustiso kapag tumubo na ang permanent teeth niya.

Naikuwento rin ni Leanne ang pagmamahal at fondness niya kay Jennylyn na madalas na isinasama siya sa tuwing ipinapasyal ng aktres ang anak nito na si Alex Jazz sa Kidzania, ang interactive play city sa Taguig City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results