James Yap, tatakbong konsehal sa San Juan City?

by Jojo Gabinete
May 1, 2018

Sa October 2018 ang filing of candidacy ng mga personalidad na interesadong kumandidato sa midterm elections sa 2019.

Five months from now, malalaman natin kung itutuloy pa ni James Yap ang planong pagkandidato na konsehal ng San Juan City sa halalan sa susunod na taon.

Balak ni James na tumakbo bilang konsehal, pero sinabi ng Cabinet Files source na nagdadalawang-isip ang controversial basketball player dahil sa recent issue nila ng kanyang ex-wife na si Kris Aquino.

Sa mga magtatanong kung residente ba ng San Juan City si James, oo ang sagot.

Sa April 13 Instagram post ni James, ibinahagi nito ang litrato nila ni former San Juan Vice Mayor Francis Zamora, ang unang bisita niya sa kanyang newly-acquired condominium unit sa Greenhills.

My first guest here in my condo in greenhills, san juan ð??? ð??? @franciszamora30

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Isa itong hint na nangangarap siyang pumasok sa mundo ng public service kaya nagpundar siya ng property sa San Juan.

Magkaibigan sina James at Zamora. Business partners din sila sa District 8, ang bar/restaurant sa Greenhills, San Juan City.

Continue reading below ↓

Public knowledge na kakandidato si Zamora bilang alkalde ng San Juan City sa ilalim ng partido ng PDP-Laban.

Ang anak ni former Senator Jinggoy Estrada na si incumbent San Juan Vice Mayor Janella Estrada ang mahigpit na makakalaban niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results