Matteo Guidicelli, nilinaw ang mga haka-haka sa breakdown ni Sarah Geronimo

by Jojo Gabinete
May 1, 2018

Nakatulong ang paliwanag ni Matteo Guidicelli sa media conference ng Single/Single, The Movie: Love is Not Enough na pagod lang dahil sa magkakasunod na shows ang rason kaya naging emosyonal ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa This I5 Me concert nito noong April 29 sa Cannery Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.


Continue reading below ↓

Sapat na ang paglilinaw ni Matteo para huminto sa pang-iintriga ang mga tao na sinisisi ang nanay ni Sarah na si Divine Geronimo at ang Viva Artists Agency, ang management agency na namamahala sa career ng singer/actress.

"Masyadong pinapagod si Sarah" ang walang basehang akusasyon laban kay Divine at sa Viva dahil hindi totoo na binibigyan nila ng sunod-sunod na trabaho kaya wala nang pahinga si Sarah.

Para sa kaalaman ng lahat, si Sarah na ang nagdedesisyon para sa mga project na tatanggapin at gagawin kaya may approval niya ang kanyang 15th anniversary concert tour sa US at gaya nating lahat, napapagod din siya.

Para sa mga tunay na nakakakilala kay Sarah, naniniwala silang nakaramdam ng frustration ang singer/actress nang mawala sa kundisyon ang boses nito habang kinakanta ang "Forever Is Not Enough" dahil gustong-gusto niya na mapasaya ang kanyang audience.

Fact: Habang nasa US tour si Sarah, ang promo ng Single/Single, The Movie ang pinagkakaabalahan ni Matteo.

Continue reading below ↓

Kung nag-breakdown si Sarah habang inaawit ang "Forever Is Not Enough," Love is not Enough naman ang catchline ng pelikula nina Matteo at Shaina Magdayao na mapapanood simula bukas, May 2, sa mga sinehan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results