DZBB anchor Joel Reyes Zobel, nagkaproblema sa immigration dahil sa kapangalang ex-Palawan governor

by Jojo Gabinete
May 2, 2018

Sa tuwing bumibiyahe sa ibang bansa ang Dobol B sa News TV co-anchor na si Joel Reyes Zobel, nagkakaroon siya ng problema sa immigration.


Ito ay dahil kapangalan niya si ex-Palawan Governor Joel Reyes, na akusado sa pagpaslang noong 2011 sa environmentalist at journalist na si Dr. Gerry Ortega.

Continue reading below ↓

Natapos na rin sa wakas ang problema ng DZBB anchor nang madakip sa Thailand si Reyes matapos ang tatlong taong pagtatago.

Nakulong si Reyes pero nakalaya noong January 2018 dahil pinawalang-sala siya ng Court of Appeals.

Ayon kay Joel Reyez Zobel, "Ang problema ko, every time na lalabas ako ng ibang bansa, palagi akong nahaharang sa ibang bansa dahil I am mistaken dun sa governor ng Palawan.

"Pero okey na ngayon."

Joel Reyes ang tunay na pangalan ng co-anchor nina Mike Enriquez, Ali Sotto, at Arnold Clavio sa DZBB.

Dahil masyadong common ang pangalan ni Joel, idinagdag ang Zobel sa family name niya na agad na tumatak sa isip ng publiko.

Fifteen years nang kasal si Joel Reyes Zobel at ang misis niyang si Badez, pero ngayong taon lamang sila biniyayaan ng baby girl, si Pia Zobel.

Pia ang pangalan na pinili nina Joel at Badez para sa kanilang panganay dahil mga deboto sila ni Padre Pio, hindi dahil nanalo na Miss Universe si Pia Wurtzbach.

Continue reading below ↓

Umiral uli ang pagiging komedyante ni Arnold Clavio sa anniversary presscon para sa 1st anniversary ng Dobol B sa News TV dahil sa kanyang rebelasyon tungkol sa matagal na panahong nagdaan bago nagkaroon ng anak si Joel.

"Buti naman, sinunod niya ang payo ko na after fifteen years, hinuhubad ang brief!" ang walang kamali-malisya na one-liner ni Arnold.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results