Michela Cazzola, "good riddance" para sa batikang entertainment editor

by Jojo Gabinete
May 2, 2018

Nananatiling tahimik si Michela Cazzola, ang Italian girlfriend ni James Yap, dahil hindi niya ipinagtatanggol ang kanyang basketball player boyfriend sa mga akusasyon ni Kris Aquino.


Pero kapag ibang tao ang involved, lumilitaw ang pagiging warrior ni Michela.

Isa sa mga "biktima" niya ang The Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo.

Continue reading below ↓

Nagalit si Michela kay Lo dahil sa headline ng column nitong "Bimby, no-show at MJ’s party," na lumabas sa Philippine Star noong August 14, 2017.

Dumalo si Ricky sa 1st birthday party ni MJ, ang panganay nina James at Michela, sa Blue Leaf Filipinas noong August 12, 2017 dahil itinuturing niyang mga kaibigan ang dalawa.

Besides, bukod sa pagpapadala ng formal invitation, paulit-ulit ang pagtawag ni Michela at pagpapadala ng mga text message sa cell phone ni Ricky para ipaalaala ang birthday party ng anak nila ni James.

Laking gulat ni Ricky nang makatanggap siya ng phone call mula sa isang galit na galit na Michela nang lumabas noong August 14 ang report niya tungkol sa hindi pagsipot ni Bimby sa party ng half-brother nito.

Inakusahan ni Michela ng child abuse si Ricky dahil sa title ng column nito, at nagbanta siyang susunugin ang kopya ng Philippine Star.

"I will burn my copy of the Star. I will tell my friends to also burn their copies," banta ni Michela kay Ricky.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Ricky, “Okay, you can burn all your copies as long as you paid for them!"

"I don’t want the Star anymore, I’ll go to Inquirer," ang sabi ni Michela.

Sagot ni Ricky, “Go ahead. Go everywhere you want!”

Nag-demand din si Michela kay Ricky ng full-page public apology na may kasamang 12 litrato nila ni James at ng kanilang anak.

Ang sagot ni Ricky? “One paragraph is good enough.”

The following day, August 15, 2017, magkatabi kami ni Ricky sa lunchtime presscon ng The Idea First Company, sa Hive Hotel sa Quezon City, kaya kitang-kita namin ang kanyang reaksiyon nang mabasa niya ang text message na natanggap dahil tinawag siya ni Michela na "fucking old man!"

Hindi nagpaapekto si Ricky sa kagaspangan ng ugali na ipinakita ni Michela, na lumabas ang tunay na kulay.

Pero wala siyang masabi kay James dahil napakabait nito.

Kung mapapansin ng publiko, mula noong August 2017 hanggang sa kasalukuyan, may mga interbyu si Michela na lumalabas sa Inquirer kapag may column item si Ricky tungkol kay James dahil ito ang katuparan ng banta niya noon na “I don’t want the Star anymore. I’ll go to Inquirer."

Continue reading below ↓

Again, hindi apektado si Lo dahil isa lang ang reaksiyon nito sa ginagawa ni Michela: "Good riddance!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results