Miss Korea Philippines 2018 candidate, umiyak nang tanungin sa posibilidad na matalo siya

by Jojo Gabinete
May 3, 2018

Sa pangalawang pagkakataon, ang Pilipinas ang host country ng Miss Korea Preliminaries (Miss Korea Philippines), ang franchise ng prestigious Miss Korea.

Noong nakaraang taon, si Miss Korea Philippines 2017 Lee Hanna ang kinatawan ng Pilipinas sa 61st Miss Korea.

Si Lee Hanna ang 1st runner-up at siya ang naging representative ng Korea sa Miss Earth 2017.


Continue reading below ↓

Mga Korean na isinilang, lumaki o naninirahan sa Pilipinas ang isa sa mga qualification para makasali sa Miss Korea Philippines 2018.

For this year, walo ang official candidates sa Miss Korea Philippines 2018.

Magaganap ang coronation night nito sa Grand Ballroom ng City of Dreams Manila sa May 8, 2018.

Kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas magaganda at matatalino ang mga kandidata sa Miss Korea Philippines 2018.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang half-Korean/half-Filipina ang kasali—ang 21-year old na si Bhang Selina na estudyante ng De La Salle-College of St. Benilde.


Continue reading below ↓

Official candidate din si Kuk Son Yong na ipinakilala ang sarili bilang television personality ng ABS-CBN.

Singing Filipino songs ang hobby ni Kuk Son Yong na napansin sa press presentation ng Miss Korea Philippines 2018 dahil kanyang pag-iyak nang tanungin tungkol sa magiging pakiramdam niya kapag natalo siya sa beauty pageant na sinalihan.


Continue reading below ↓

Very competitive ang 25-year old Korean beauty dahil matindi ang ambisyon niyang manalo kaya napaiyak siya.

Kung sakaling hindi niya makuha ang beauty title, magiging masaya pa rin daw si Kuk Son Yong dahil sa Filipino friends na naniniwala sa kanyang kakayahan at suportado ang pagsali niya sa Miss Korea Philippines 2018.

Ang mananalo sa naturang beauty pageant ang representative ng Pilipinas sa 62nd Miss Korea na magaganap sa South Korea sa June 2018.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results