Natiyempuhan ng Cabinet Files ang ongoing art exhibit ni Paulina Luz Sotto sa third floor ng isang department store sa Shangri-La Mall, Mandaluyong City.
Si Paulina ang anak ni Vic Sotto sa former television personality na si Angela Luz.
Namana niya ang talent ng kanyang lolo, ang National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz.
Apparently, successful ang art exhibit ni Paulina dahil may nakalagay na reserved sa mga art work niya.
Si Vic ang number one fan ni Paulina dahil ang mga painting ng kanyang anak ang makikita sa bahay nila ni Pauleen Luna sa Cabuyao, Laguna.
Ikinasal si Paulina kay Jed Salgado Llanes noong January 1, 2017 sa Batangas, pero ang maiden name pa rin ang ginagamit niya bilang visual artist.