Paolo Ballesteros, in demand ang paintings sa kapwa celebrities

Para sa My 2 Mommies lead actor na si Paolo Ballesteros, mas madali ang magpinta sa canvass kung ikukumpara sa make-up transformation dahil wala siyang mukha na kinokopya.


“Yung paintings ko, whatever I feel, yun ang masusunod,” ang sabi ni Paolo, na may planong magkaroon ng solo exhibit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Paolo, apo ng kauna-unahang National Artist for Visual Arts na si Fernando Amorsolo, dahil marami ang nagpapahalaga sa mga artwork niya.

May mga nagpapareserba agad ng mga painting na hindi pa natatapos ni Paolo, pero ipino-post agad nito sa kanyang Instagram account.

Roses are Blue. 2.66x4feet. Alcohol ink. #PAOnting �???�??�

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

painting bago taping �?�?�??� #PAOnting

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

�???�??��??��??? #PAOnting

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on


“Actually, I sold a couple na.

"Sina Jed Madela at JP Duray [Mr. Pogi finalist ng Eat Bulaga!] were among the first who bought my paintings.

"Kapag nag-post ako sa social media, ang daming nag-i-inquire.

"It makes me want to do more," pahayag ni Paolo.

Mabilis daw siyang mainip kaya isang araw lang niya ginagawa ang kanyang mga artwork.

"Pero yung pag-aayos ng canvas at pag-aayos ng pagkakabitan ng sabitan, mga one week dahil ako rin ang gumagawa," ang additional information ni Paolo.

Tumanggi naman siyang sabihin ang presyo ng mga painting niya dahil nahihiya raw siya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close