Indie actress Chai Fonacier, nasorpresa sa best supporting actress nomination sa FAMAS

by Jojo Gabinete
May 4, 2018

Nasorpresa ang indie actress na si Chai Fonacier sa presscon ng So Connected ng Regal Entertainment Inc. kagabi, May 3.

Dito niya nalamang nominated siya sa best supporting actress category ng 66th FAMAS Awards para sa performance niya sa Respeto.


Earlier yesterday, special guest si Chai at ang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose sa grand launch ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ang film festival ng Film Development Council of the Philippines na magaganap sa August 15 hanggang August 21, 2018.

Continue reading below ↓

Kasunod ng FDCP event ang announcement ng mga nominado sa 66th FAMAS, pero hindi agad nakarating kay Chai ang balita tungkol sa nomination niya sa best supporting actress category.

"Whaaat? FAMAS? I was? Hahaha! Thank you!!" ang gulat na gulat na reaksiyon ni Chai.

Una siyang napansin sa kanyang role bilang anak na tomboy ni Jaclyn sa critically-acclaimed movie na Patay Na Si Hesus.

Dahil sa kanyang convincing portrayal, napagkamalang tomboy si Chai sa tunay na buhay, pero babaeng-babae siya.

Co-stars ni Chai sa So Connected sina Janella Salvador at Jameson Blake.

Katuwiran ng direktor na si Jason Paul Laxamana sa pagpili kina Janella at Jameson bilang mga bida ng pelikula, "If you look at my past filmography, hindi ako gumagamit ng love teams, primarily because for me, medyo predictable yung story kapag love team yung ginagamit kasi alam mo na kung paano mag-e-end up.

"I don’t believe in chemistry, I believe in acting."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results