Vitto Marquez, hindi isyu ang pagkakaroon ng ibang pamilya ng mga magulang na sina Joey at Alma

by Jojo Gabinete
May 4, 2018

Hindi na matandaan ni Vitto Marquez ang exact age niya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Pero naging magkaibigan daw ang kanyang mga magulang kaya hindi niya naramdamang produkto siya ng broken family.


Pahayag ni Vitto, “Hindi naman malungkot. Hindi ko na-feel na broken family kami.

Continue reading below ↓

"Natutunan ko na yung pagmamahal ng parents mo sa 'yo, hindi dahil sa paghihiwalay nila.

"Walang reason para hindi mo sila mahalin."

Nang magkaroon sina Joey at Alma ng ibang mga karelasyon, hindi ito naging isyu kay Vitto.

Paliwanag ni Vitto, “Sa age ko, naiintindihan ko naman na everyone needs a partner.

"I call them ate, kuya. Kasi kapag tita or tito, parang…

"Hindi naman awkward ang feeling, kasi naniwala ako na the more the merrier.

"Marami na kami sa family. Siguro, iniisip ng mga tao, nag-aaway na kami, pero hindi, e.

"Yun ang inside joke namin, the more the merrier." 

Nagpapasalamat si Vitto sa mga komento na siya ang pinaka-promising at malayo ang mararating sa showbiz sa mga young male star na introducing sa #Squad Goals ng Viva Films.

"Nagpapasalamat ako dahil yun ang unang iniisip sa akin, and overwhelmed naman ako.

"Nasanay ako na sa pamilya ko, nasa shadow ako ng parents ko.

Continue reading below ↓

"Ganoon po kasi ang dating sa akin na anak ni ganoon 'yan, pero ngayon napapansin na po ako," ang medyo nahihiya pero natutuwang sabi ni Vitto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results