Julie Anne San Jose, huling cover girl ng Cosmopolitan Philippines

by Jojo Gabinete
May 6, 2018

Sa Lunes, May 7, ang pilot telecast ng My Guitar Princess, ang daytime musical television series na pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose.

Si Julie Anne ang last but not the least cover girl ng print edition ng Cosmopolitan Philippines ng Summit Media.


Masuwerte si Julie Anne dahil nabigyan siya ng tsansang maging cover girl ng Cosmopolitan sa kauna-unahang pagkakataon, at memorable ito dahil farewell issue din ng print edition ng popular women’s lifestyle magazine.

Continue reading below ↓

Significant kay Julie Ann ngayong Mayo ang number 7 dahil mag-uumpisa sa May 7 sa GMA-7 ang My Guitar Princess at magdiriwang siya ng 23rd birthday sa May 17.


Musical drama series ang My Guitar Princess kaya obvious na mula sa pangalan ng mga singer ang mga pangalan ng karakter sa bagong morning teleserye ng Kapuso network: Celina (for Celine Dion) si Julie Anne, Elton (Elton John) si Gil Cuerva, Justin (Justin Bieber) si Kiko Estrada, Katy (Katy Perry) si Jazz Ocampo, Taylor (Taylor Swift) si Isabella de Leon, Adele si Sheryl Cruz, Elvis (Elvis Presley) si Kier Legaspi, George (George Michael or Boy George) si Frank Garcia at Britney (Spears) ang aspiring actress na si Marika Sasaki.

Continue reading below ↓

Kung hindi pangalan ng mga lugar, pangalan ng mga karakter ni Sharon Cuneta sa mga pelikula nito ang inspirasyon ng mga teleserye writer ng GMA-7.

Napatunayan natin ito sa Ika-6 na Utos dahil Rome ang pangalan na ibinigay sa papel na ginampanan ni Gabby Concepcion, Georgia si Ryza Cenon, Geneva si Angelika dela Cruz, Maui si Chynna Ortaleza, Kenya si Elle Ramirez, at Lourdes si Daria Ramirez.

Noong 2014, napanood sa GMA-7 ang Strawberry Lane, ang prime time teleserye na mga pangalan ng mga karakter sa pelikula ni Sharon ang ginamit: si Clarissa (Pangako Sa’yo) si Bea Binene, Jack (Jack & Jill) si Kim Rodriguez, Dorina (Bituing Walang Ningning) si Joyce Ching, Guadalupe (Pasan Ko Ang Daigdig) si Jhoana Marie Tan, Lavinia (Cherie Gil in Bituing Walang Ningning) si Rita de Guzman, Elaine (Nakagapos Na Puso) si Sunshine Dizon, at Monique (Maging Sino Ka Man) si Sheryl Cruz.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results