Yumaong scriptwriter na si Jake Tordesillas, bahagi pa rin ng youth-oriented movie #SquadGoals

May contribution sa kuwento ng #Squad Goals ang pumanaw na award-winning scriptwriter na si Jake Tordesillas dahil creative consultant siya ng youth-oriented movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa Miyekules, May 9, 2018.


Kasama si Tordesillas sa development ng kuwento ng #Squad Goals na tumagal ng dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Mark Meily ang direktor ng #Squad Goals at kinikilala nila ng Viva Films ang mga kontribusyon ni Jake sa pelikula na tinatampukan nina Julian Trono, Jack Reid, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, at Dan Huschka.


Si Tordesillas ang naatasan ng Viva Films bilang creative consultant ng #Squad Goals dahil siya ang sumulat ng kuwento ng Bagets, ang 1984 monster hit movie ng naturang movie outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang direktor ng Bagets ay si Mayo J. de los Reyes, ang longtime companion ni Tordesillas na namayapa noong January 27, 2018.

Sumakabilang-buhay si Tordesillas noong June 30, 2017, at ang #SquadGoals ang last movie project niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close