Ekleng Village sa Ifugao, dadagsain na ng mga turista dahil sa Avengers: Infinity War

by Jojo Gabinete
May 7, 2018

Maagap ang production staff ng Kapuso Mo, Jessica Soho dahil pumunta agad sila sa Banaue Rice Terraces sa Ifugao nang pumutok ang balitang kinunan sa naturang lugar ang final scene ng blockbuster movie na Avengers: Infinity War.





Ang tour guide na si Romy Licyayo ang tumulong sa production crew ng Kapuso Mo, Jessica Soho para marating ang Ekleng Village, ang exact location na ginamit sa Avengers: Infinity War.

Continue reading below ↓

Si Licyayo rin ang nag-asikaso sa staff ng Indochina Productions, ang Asian partner ng Marvel Studios na naatasang magpunta sa Banaue para kunan ng footage ang Ekleng Village.

Sinabi ni Licyayo na hindi sinabi sa kanya ng mga representative ng Indochina Productions na para sa isang malaking Hollywood project ang shooting.

Nakalimutan naman ng staff ng Kapuso Mo, Jessica Soho na itanong kay Licyayo ang exact date nang dumating sa Banaue noong nakaraang taon ang crew ng Indochina Productions.

Dahil sa mga publicity tungkol sa lugar na pinuntahan ni Thanos, ang lead villain sa Infinity War, naghahanda na ang mga residente ng Ekleng Village sa pagdagsa ng mga turista na gustong marating at makita ang kanilang kinaroroonan.


Continue reading below ↓

Nagsimula noong January 23, 2017 ang principal photography ng Avengers: Infinity War na may working title na "Mary Lou" at natapos ang shooting nito noong July 14, 2017.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Avengers
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results