Floyd Mayweather Jr., bibisita sa Pilipinas; mag-usap kaya sila ni Pacquiao tungkol sa rematch?

by Jojo Gabinete
May 7, 2018

Darating sa Pilipinas ngayong gabi, May 7, ang American boxing superstar na si Floyd Mayweather Jr., kasama ang kanyang The Money Team.


Ito ay dahil sa imbitasyon ng Frontrow Philippines, ang direct selling company na producer ng "Grit and Glam", ang summer party event na magaganap bukas, May 8, sa The Cove, Okada Manila.

Continue reading below ↓

Lalahukan din ito ng Miss Universe winners na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere, at Demi Leigh Nel Peters, kasama ang world's strongest men.

Inaasahan ang pagdalo ni Mayweather Jr. sa "Grit and Glam", na joint project ng Frontrow Philippines, Miss Universe Organization, at ng Mercator Artist and Model Management ng beauty-queen maker na si Jonas Gaffud.

"I love the Philippines, I love all the fans, thanks for all the support," ang mensahe ni Mayweather Jr. para sa mga Pinoy supporter niya.

Malapit sa puso ni Mayweather Jr. ang mga Pilipino dahil Pinay ang kanyang assistant na si Kitchie at ang personal videographer niya.

Sinabi ng isang malapit kay Mayweather Jr. na walang kinalaman ang boxing sa pagbisita sa Pilipinas ng controversial American boxer.

Sa recent interview ng BBC kay Senator Manny Pacquiao, kinumpirma nitong magkikita at mag-uusap sila ni Mayweather Jr. kapag dumating ito sa bansa.

Ipinahayag din ng Pambansang Kamao ang kagustuhang magkaroon sila ni Mayweather Jr. ng rematch dahil tinalo siya ng American boxer by unanimous decision sa laban nila sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada, noong May 2, 2015.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results