Floyd Mayweather Jr., Lamborghini ang unang sinakyan pagdating sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
May 8, 2018

Dumating sa Pilipinas mula sa Thailand ang American boxing superstar na si Floyd Mayweather Jr. kaninang madaling-araw, May 8.


Isang chartered plane ang sinakyan ni Mayweather at ng kanyang The Money Team.

Ang Lamborghini car ang pinili ni Mayweather na sakyan para dalhin siya sa hotel na tutuluyan nila ng kanyang mga kasama.

Continue reading below ↓

Isa lang ang Lamborghini car sa mga nakahilerang luxury cars (Rolls- Royce, Hummer, et al) na pinagpilian ni Mayweather nang dumating siya sa NAIA.


Ang direct-selling company na Frontrow International ang nag-imbita kay Mayweather na bumisita sa Pilipinas, pero tikom pa ang bibig ng mga opisyal tungkol sa activities ng boxing superstar sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"I’m not thinking about fight now" ang safe na sagot ni Mayweather sa interview sa kanya ng mga reporter na nagtanong kung gusto niyang magharap uli sila ni Senator Manny Pacquiao sa boxing ring.

"I would love to sign up upcoming Filipino talent. I would like to check out young fighters," ang dagdag na pahayag ni niya sa mga miyembro ng media na naghintay sa kanyang pagdating sa NAIA.

Umaasa rin si Mayweather na magkakaroon siya ng pagkakataong makita at makasama si Pacquiao sa isang dinner habang naririto siya sa Pilipinas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results