Paolo Ballesteros, "nakabawi" sa My 2 Mommies

by Jojo Gabinete
May 8, 2018

"Nakabawi si Paolo Ballesteros."

Ito ang reaksiyon at opinyon ng mga dumalo sa red-carpet premiere ng My 2 Mommies na nagustuhan ang funny but heartwarming story ng pelikula na isinulat ng direktor na si Joey Reyes.

Perfect for Mother’s Day ang My 2 Mommies dahil sa maraming aral na matututunan sa unang movie team-up nina Paolo at Solenn Heussaff.


Continue reading below ↓

Si Eric Quizon ang direktor ng pelikulang tumatalakay sa same-sex relationship at sa relasyon ng isang gay father sa kanyang anak at former girlfriend.

Intelligent actor si Paolo ang opinyon ni Eric at mapapansin ito sa My 2 Mommies dahil sa mga adlib at punchline ng aktor.

Hindi si Eric ang original choice bilang direktor ng My 2 Mommies.

Ayon nga kay Roselle Monteverde, accidental lang na napasakamay ni Eric ang project.

Narinig namin ang tunay na dahilan, pero blessing in disguise na si Eric ang final choice dahil baka iba ang kinalabasan ng project kung hindi siya ang direktor.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results